'Marites' Ka Ba?

 

Ha! Huli ka! Aaminin mo bang mahilig kang makinig sa kwento o magkwento na rin tungkol sa kapitbahay mong kabit, o kapitbahay mong may bagong kotse? 

Minsan masarap pagusapan ang mga tao sa paligid natin, at sa isang banda, wala namang masama dito. pero kung may dagdag-bawas na ang kwento. Pag napapasama na ang iba, habang pinabubuti ang sarili, dito nagkakaroon ng problema, dito nagkakaroon ng masasabing pagkakamali. 


marites ka ba

Minsan sa kagustuhan nating itaas ang sarili, sa kagustuhan nating maging bida sa ating kwento, minsan pinagiging kontrabida natin ang ibang tao, sinisira sa paningin ng iba para lang masabi natin na tayo ang bida, na tayo ang importante at tayo ang makinabang sa iniisip na gantimpala sa pagsasabi ng kwentong wala namang kwenta. 

Maraming tawag sa mga taong mahilig magtahi tahi ng kwento. Sa kasalukuyang kolokyal, "marites" ang tawag, na ibig sabihin "Mare, ano ang latest?", marami na rin ang naging sanga ng salitang ito, marisol o mareng taga sulsol, maricon, or mare confirmed, maripaz, o mare pasa mo na ang chika, dati tsimosa o tsismoso ang tawag sa kanila, pero kahit anong tawag, iisa pa rin ang layunin, iisa pa rin ang gustong tuntunin, itaas ang sarili at ibaba ang iba.

Ayaw man nating aminin, minsan gustong gusto nating maitaas ang ating sarili, na maging "in" o tanggap ng ibang tao, hindi natin namamalayan na nakakasakit na pala tayo ng ibang tao.. na sa pilit nating itaas ang ating sarili, may natatapakan na pala tayong iba. 

Sa ganitong pagkakataon, siguro mas mabuting pagisipan maigi bago magbukas ng bibig. Isiping mabuti kung ang sasabihin ay may kabuluhan ba... Totoo ba ito, sigurado ka bang totoo ito... Ano ang kwenta nito sa buhay mo, meron ba? Makakatulong ba ito? Makakasira ba ito sa ibang tao? 

Kung may duda ka sa sasabihin mo, mas mabuti pang wag na lang itong sabihin, tandaan mo, mas mabuting manahimik kaysa magsalita ng mga bagay na hindi naman sigurado o bagay na makakasira sa iba, lalo na kung wala naman batayan at haka-haka lang. 

Remember, Silence is golden








Comments